Tuesday, October 15, 2013

ORL (Otorhinolaryngology): October 2-15, 2013

HANAPIN ang taong may dimples kung nag-eksam! Si Kuya!

ORL Rotation

Di halata, pero kung palakihan ng tiyan ang pag-uusapan—arrgggh, huwag na nating ituloy. Buti na lang flattering ang suot namin dito.

ORL Rotation

Stellar ng Bayan Jegar Catindig na seryosong-seryoso habang nag-eeksam. Lahat kami tapos na. Siya, hindi makaisip ng sagot sa bonus: magsulat ng pangalan ng isang residente at kamukha niyang local o international star. Everybody, let's go: standing oblation, sabay slow clap.

stellar ng bayan

Piktyur kasama si Dr. Dan Alpapara, ang interns' monitor namin sa ORL. Lagi raw kaming late, sabi niya. Sa isip namin, humanda kayo—ganoon din siguro ang mga susunod na block. Haha. Salamat, Sir!

sir dan

Block F! Sabi ni Agnes, na siyang may ari ng kamera, ito raw ay "probably the most formal block pic to date." Ideya kong nakaupo ang mga babae, para magmukha silang matanda, at kami tila mga gentlemen kasi nakatayo. Pero parang agree ako kay Agnes—the best nga ito—kaso napakaliit kong tingnan. Isa pang obserbasyon: walang naka-kuwelyo sa aming mga lalaki. Naubusan na ata ng damit kasi pormal-pormalan ang tema kapag nasa OPD (Out-Patient Department)—na na-compensate (pasensya na, di ko alam Tagalog niyan) naman ni Mami Berns, suot ang kanyang, uhm, blusa na may kuwelyong kulay . . . kahel.

ORL Rotation

Ang saya ng ORL. Mami-miss namin ito.

Labels: ,

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hahaha! why the shift to writing in Filipino? :) nice block photo! :D -aa

Thu Oct 17, 11:03:00 AM GMT+8  
Blogger Lance said...

Just felt right, I guess. Thanks, Aace.

Thu Oct 17, 07:33:00 PM GMT+8  

Post a Comment

<< Home