Saturday, October 20, 2012

Week 42, 2012: Lunch at Seafood Market

PUMUNTA KAMI SA SEAFOOD MARKET para mananghalian. Hindi ko na maalala ang eksaktong pangalan ng restawran, pero isa 'yun sa hilera ng mga kainan na makikita mo kapag dadaan ka sa Macapagal Avenue papuntang Mall of Asia. Paboritong dayuhin ang lugar na ito ng mga magulang ko tuwing napapadpad sila ng Maynila, lalo na ng aking nanay na binabalik-balikan ang alimango na mabibili at makakain sa murang halaga.

Kasama ang aking mga blockmates, namalengke kami sa katabing bilihan.

Week  42, 2012: Team Clerk lunch out at one of those sea side restos along Macapagal Ave

Sariwa ang mga benta.

Week 42, 2012: Shrimp Week 42, 2012: Sea food

Nakakaawa rin tingnan 'yung iba, lalo na ang mga walang kamuwang-muwang na alimango.

Week 42, 2012: crab Week 42, 2012: Intense si Ate!

Inaamin kong wala akong talento para sa paghingi ng tawad tawaran. Buti na lang kasama ko sina Lennie, Marv, at Ching—pawang mga may lahing Tsino. Di hamak na nakamura at nakarami kami sa aming mga pinamili.

Week 42, 2012: Tawad

Naghintay kami nang mahigit sa kalahating oras habang niluto ang mga pinamili namin. Marami kaming pinag-usapan: mula sa buhay namin sa medisina hanggang sa mga susunod naming mga lunch outs.

Week 42, 3012: Team Clerk lunch out at one of those sea side restos along Macapagal Ave


HAYAAN NIYONG ipakilala ko sa inyo ang mga kasama ko kanina.

Si Ching, na kung lumamon ay parang kargador, pero hindi halata kasi payat pa rin siya kahit ano'ng kainin niya. Tahimik ang restawrang napili namin; kami lang ang tao. Ang saya!

photo photo

Si Ching ulit (kaliwa) at si Lennie (kanan), 'yung donyang naka-itim.

photo photo

Si Marv na ipinagmaneho kami (salamat!) at si Casti, bosing namin sa Ortho. Huwang niyo akong tanungin kung bakit ganyan ang posisyon ng mga kamay nila.

upload week 42, 2012: casti

Siyempre, nakasama rin si Carlos, dala ang kanyang Calvin Klein na shades. Akala niya kasi katabi talaga ng dagat ang Seaside Restaurants.

week 42, 2012: carlos

Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa mga blockmates ko. Napakalaking biyaya sila sa akin dahil napapasaya at tila napapadali nila ang buhay ko sa medisina.

Sana maulit pa ito at sana mas marami pang makasama para mas masaya.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home