Senior citizen
Linggo. Walang masyadong tao sa UP. Pakaliwa na ang Pantranco jeep sa harap ng Ilang nang pinara ng mga matatandang babae. Mga 12 sila. Puti ang buhok. Halos nakauniporme ang suot. Kung hindi nakapustiso ay kulang-kulang na ang ngipin. At ang iingay. Sa loob ng jeep, ako lang ang below 55 ang edad. Nanggaling ata sila sa isang pulong. Panay “Kay Gloria [Arroyo] kami” ang sigaw. Bukod dito, hindi talaga sila nagkasundo—lalo na nang singilin sila ng drayber ng pamasahe. Eh di bigla silang nagbilangan kung sino ang senior para makakuha ng diskawnt.
“Walo.”
“Hindi, sampu.”
“Walo nga sabi eh. O, heto ang kard ko.”
Ganoon kainit ang diskusyon nila. Nakakatawa talagang pakinggan. Bago ako bumaba, sabi ng katabi ko, sabay tawa, “Pasensya ka na, anak, matanda na kasi kami.”

Labels: daily
0 Comments:
Post a Comment
<< Home