Friday, August 3, 2007

Pawis

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Basa ng pawis ang likuran ko nang ginising ako ng pagkahulog ko sa kama. Parating maalinsangan ang kuwarto tuwing alas tres ng hapon, puwera na lang kung umuulan. Ang sarap matulog, sabi ko sa sarili ko. Kelan nga ba ako huling natulog nang ganito kahimbing?

Napanaginipan kong pumapanhik ako sa tabi ng dagat. Parang walang pinoproblema. Parang napakagaan ng pakiramdam. Kung ang buhay sana'y panaginip na lang.

Nagpalit ako ng damit, naghilamos ng mukha, at sabay na itinapat ang bentilador sa harap ko. Parang ayoko pang gumalaw pero kailangan. Bigla kong naalala ang dami ng dapat kong tapusin. Mahirap ang buhay estudyante.

Lumabas muna ako ng kuwarto, naghanap ng mga kaibigang makakausap. Wala pa akong ganang magbasa ng mga aklat, mag-intindi ng mga leksyon, at magsulat ng mga report. Pero napakatahimik ng dormitoryo. Halos walang tao--kung hindi man naglalaro ng basketball sa labas ay pumunta na sa SM para manood ng sine.

Hay buhay.

Bumalik ako sa kuwarto at napahiga sa kama. Naalala ko ang bahay namin. Ganito rin katahimik tuwing ganitong oras: maririnig mo ang paghinga mo. Naalala ko tuloy ang pamilya ko. Nagkakape si Tatay; si Nanay, nasa ospital; si Manong, nanonood ng HBO; si Sean, tumatambay kina Mac. Parang napakasimple ng buhay noon. Pagdating galing eskwela, kakain na lang ng hapunan at matutulog na.

Pero mas komplikado na ngayon. Maraming kailangang tapusin at gawin. Pero inisip ko, habang nakatitig sa kisameng puno ng sapot ng gagamba, habang nakatodo ang ikot ng bentilador, habang unti-unting nababasa ng pawis ang likuran ko ... insip ko: kanino nga ba ako kumukuha ng lakas?

Sa matinding alinsangan ng hapong iyon, naalala kong kahit gaano man kakomplikado ang buhay, kahit gaano pa karami ang tatapusin, nariyan ang Diyos, gumagabay, handang tulungan ang sinumang tunay na nangangailangan.

Labels:

6 Comments:

Blogger Unknown said...

Parang kakaiba... Parang hindi ikaw kung salin sa Filipino yung sinulat mo Lance.

Hahaha. American citizen ka talaga kasi!

Sat Aug 04, 04:06:00 PM GMT+8  
Blogger ad said...

You know, Lance, I was thinking of doing the exact same thing -- writing a post in either Oasnon or Standard Bicol or Tagalog.

And you know what, it's been quite a challenge for me. I just can't help but insert at least one English word -- whose counterpart in the aforementioned languages I could not remember no matter how hard I strained my brain -- in every sentence I think of. Bunga kaya ito daan-daang taong pananakop ng mga banyaga?

Anyway, I'll try. :-)

Sat Aug 04, 04:41:00 PM GMT+8  
Blogger ad said...

And I agree with what you just said, Paul. Hahaha. Talagang parang hindi si Lance.

Sat Aug 04, 04:42:00 PM GMT+8  
Blogger Lance said...

Paul: Mahilig akong mag-ispowkening dolars eh. Thanks for the comment! Hahaha.

Jef: Ako rin eh. While writing, tinanong ko pa roommates ko, "Anong gagamba sa tagalog? Eh ang cobwebs?"

Sat Aug 04, 09:39:00 PM GMT+8  
Blogger Unknown said...

Gagamba sa Tagalog? Hahaha! Baka kasi iba? Parang sa Bisaya, ang ianggam ay ibon at sa Pangasinense ang etlog ay ibon! Hahaha!

Sun Aug 05, 08:37:00 AM GMT+8  
Blogger Lance said...

erratum: "...spider sa tagalog?" thanks for pointing that out, paul. iba talaga 'pag mensa. hahahaha.

Sun Aug 05, 02:39:00 PM GMT+8  

Post a Comment

<< Home